Poultry farm sa Bulacan, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 02:58 AM

MAYNILA—Nasunog ang isang poultry farm sa Barangay Calumpang, San Miguel, Bulacan Miyerkoles ng hapon.

Nagsimula ang apoy alas-4:30 ng hapon, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) San Miguel.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naapula makalipas ang halos 2 oras.

Walang naitalang nasugatan sa insidente. Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi at danyos ng sunog.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS- CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.