Binatilyong nagtutulak umano ng marijuana sa mga estudyante, timbog sa Cavite

Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 12:25 AM

Isang binatilyong nagtutulak umano ng marijuana sa mga estudyante ang inaresto sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez sa Cavite nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nahulihan ang 19-anyos na suspek ng aabot sa P10,000 na halaga na marijuana, na may bigat na 150 gramo. 

Nabisto ng pulisya ang pagtutulak ng suspek dahil sa pagsumbong ng ilang estudyante sa Area J Elementary School na supplier siya ng droga.

Haharap ang suspek sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.