Babae timbog sa pagbebenta ng mga hubad na larawan ng mga kaanak, kapitbahay

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 05:14 PM | Updated as of Nov 08 2019 04:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaresto ng pulisya sa Antipolo City ang isang babae na nagbebenta umano sa mga pedopilya ng mga hubad na larawan ng kaniyang mga batang kaanak at kapitbahay.

Sa isang money remittance center sa Barangay Santa Cruz dinampot ng mga tauhan ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang 39 anyos na suspek.

Nakipag-ugnayan ang Federal Bureau of Investigation ng Amerika sa PNP para matunton ang supplier ng pornograpiya mula Pilipinas na nakuha sa isang naarestong pedopilya doon, ayon kay Police Col. Maria Sheila Portento.

Mga pamangkin at batang kapitbahay na nasa edad 3 hanggang 14 ang mga nasa larawang ibinebenta ng suspek.

Nasagip ng mga awtoridad ang isang 14 anyos na inialok sa undercover agent na nagpanggap na pedopilya kasama ang 4 batang kaanak ng suspek.

Patong-patong na kaso ang isasampa sa suspek.

-- Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.