Magtiyuhin sugatan sa sunog sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 12:34 AM

Kuha ni Rosvel Villarin

NEGROS OCCIDENTAL—Sugatan ang isang magtiyuhin sa sunog sa Barangay Mabini, Cadiz City, Negros Occidental nitong Martes ng madaling-araw.

Nagtamo ng first-degree burns si Pedro Recla at ang kaniyang 5 anyos na pamangking lalaki.

Iniligtas ni Recla ang bata na natutulog nang sumiklab ang sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Cadiz City, 2 bahay ang natupok sa insidente.

Naiwang nakasinding kandila sa kasagsagan ng brownout ang tinitingnang sanhi ng sunog.—Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.