Magkumare, nakuhanan ng P6.8-M halaga ng shabu sa QC

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 11:44 PM

MAYNILA - Nasa isang kilo ng hinihinalang shabu ang nakuha ng Philippine Drug Enforcement Agency - National Capital Region (PDEA-NCR) sa dalawang babae sa isang buy-bust operation nitong Miyerkoles ng gabi sa tapat ng isang mall sa Quezon City.

Ayon kay PDEA investigation agent Mary Arguelles, nasa P6.8 milyon ang halaga ng kontrabando.

Dagdag pa niya, anim na buwan ang ginawang paghahanda ng PDEA para sa isinagawang operasyon.

Nakipagtagpo sa PDEA agent na nagpanggap na buyer ang magkumare.

Pero ayon sa dalawa, napag-utusan lang sila na i-deliver ang kontrabando, kapalit ng P50,000.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.