P3.6 milyong halaga ng umano'y ipinuslit na bigas, nasabat sa Zamboanga

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2018 09:11 PM

Nasamsam ang 1,200 sako ng umano'y ipinuslit na bigas sa Zamboanga City nitong Linggo. Kuha ng Philippine Coast Guard

Nasabat ng mga awtoridad ang P3.6 milyong halaga ng umano'y smuggled na bigas sa Zamboanga City nitong Linggo.

Nasabat ang nasa 1,200 sako ng bigas matapos ipagbigay alam ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army at Task Force Zamboanga sa Philippine Coast Guard (PCG) ang natanggap na impormasyon na mayroong libo-libong sako ng smuggled na bigas na ikinakarga sa dalawang truck.

Agad nagsagawa ng operasyon ang PCG at hinarang ang dalawang truck sa bahagi ng R.T. Lim Boulevard sa lungsod at agad ding inaresto ang mga driver nito.

Ayon sa PCG, galing Sabah ang ipinuslit na mga sako ng bigas.

Inilipat na sa kustodiya ng Bureau of Customs ang mga truck driver at mga nasabat na kargamento.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.