Nanlabang drug suspek, patay sa Lucena City

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2018 01:25 PM

MAYNILA – Patay ang isang drug suspek matapos umanong manlaban sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Dalahican sa Lucena City, Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nakabili ang nagpanggap na buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula kay Ramil De Guzman Romero sa halagang P500.

Agad siyang hinuli matapos na magkabentahan pero umalma umano ito sabay bunot ng baril at pinaputukan ang nagpanggap na buyer.

Nakaganti naman ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober mula sa suspek ang isang sachet ng shabu at isang revolver.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.