Estudyante patay nang magliyab ang costume sa school event

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2019 06:37 PM | Updated as of Nov 04 2019 07:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Binawian ng buhay noong Linggo ang isang Grade 7 student sa Davao City na nagliyab ang costume sa gitna ng isang event sa kaniyang paaralan.

Nagtamo ng third-degree burn ang 12 anyos na babae matapos magliyab ang costume para sa Mr. and Ms. Intramurals sa eskuwelahan noong Oktubre 25.

Isang linggong nasa ospital ang babae hanggang sa bawian ng buhay.

Gawa sa abaca ang suot na costume ng estudyante pero nadikit ito sa nakasinding kandila at nagliyab, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Bumuo naman ng fact-finding team ang Department of Education sa Davao region para imbestigahan ang nangyari at matukoy ang aksiyon para sa paaralan.

Inimbestigahan din ng regional na Bureau of Fire Protection ang insidente.

Sinubukan ng ABS-CBN News na kuhanan ng pahayag ang paaralan pero walang humarap sa mga opisyal nito. -- Ulat ni Paul Palacio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.