90 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2019 07:48 PM | Updated as of Nov 03 2019 07:57 PM

(UPDATE) Aabot sa 90 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Commonwealth Avenue, Quezon City, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Nadamay rin sa sunog ang isang talipapa, na naunang inakala bilang Commonwealth Market, dahil sa lapit nito sa residential area sa Kaunlaran Street.

Nasa P150,000 ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog, na nag-umpisa bago mag-alas-6 ng gabi at naapula bandang alas-7 ng gabi.

Mabilis umanong kumalat ang apoy sa mga bahay at Datu Tahil Talipapa dahil gawa ang mga ito sa light materials.

Umabot sa sa ikatlong alarma ang sunog, na nangangahulugang hindi bababa sa 13 fire truck ang rumesponde sa sunog.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.