13 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2019 04:22 AM | Updated as of Nov 02 2019 09:02 PM

MAYNILA (UPDATE)—Nawalan ng tirahan ang 13 pamilya sa sunog sa Kalamansi St., Barangay Cembo, Makati City Sabado ng hatinggabi.

Ayon kay Makati City fire marshall Roy Quisto, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang 6 na bahay.

Watch more in iWant or TFC.tv

Faulty electrical wiring ang isa sa tinitingnang sanhi ng sunog.

Kuwento ng residenteng si Rolando de Castro, wala umanong tao sa ilang bahay dahil pumunta ng sementeryo.

Paalaala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga mag-uundas, siguraduhing nakapatay ang ilaw at nakatanggal sa saksakan ang appliances.

Tinatayang nasa P600,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.