Paralisadong senior citizen patay matapos ma-trap sa sunog sa Davao City

Andoreena Causon, ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2019 06:01 AM

DAVAO CITY—Patay ang isang paralisadong senior citizen matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa South Villa Subdivision, Davao City Sabado ng madaling-araw.

Natagpuan ang katawan ni Norberto Marfe, 64 anyos, sa loob ng CR. Hirap itong makalakad matapos ma-stroke.

Nagtamo naman ng mga paso sa kamay at ulo ang asawa nitong si Lydia matapos nitong bumalik sa bahay upang subukang iligtas ang biktima.

Kuwento ng kasambahay na si Jason Lorando, ginising siya ni Lydia pasado alas-2 ng madaling-araw dahil nasusunog ang sala.

Sinubukan pa umano ni Lorando na iligtas si Marfe ngunit malaki na ang apoy.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi at danyos ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.