Bahay sa Davao natupok habang nasa sementeryo ang may-ari

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2019 11:48 PM

 

DAVAO CITY—Natupok ang isang bahay sa lungsod na ito habang nasa sementeryo ang may-ari Sabado ng hapon.

Ayon sa may-ari na si Art Lagaye, tinawagan na lang umano siya ng kaniyang kaibigan sa nangyari.

"Bumabiyahe na kami pauwi kasi ang anak ko gusto na talaga niya umuwi. 'Yun pala ito na nasunog na ang bahay. Pagdating namin inaapula na ng bombero," ani Lagaye.

Naabo ang ikalawang palapag ng bahay habang nagtamo ng water damage ang ground floor nito.

Sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa isang kwarto sa ikalawang palapag at dahil sa nag-overheat ang isang umaandar na electric fan.

Aabot sa P30,000 ang pinsalang iniwan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.