Gas leak sa Makati ‘isolated case’ lamang, ayon sa kompanya ng gasolina

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2018 12:08 AM | Updated as of Feb 03 2020 12:33 PM

File/Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Nagkaroon ng gas leak sa Barangay Bangkal sa Makati City nitong Huwebes, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kinompirma ito ni Gener Ramos, isang environmentalist mula sa DENR.

Ayon sa Phoenix Petroleum, galing umano sa isa nilang station ang leak at isa umano itong "isolated case."

"Please know that the incident at one of our stations in Makati is an isolated case and we have already taken steps to address the matter. And as the safety of the community is our utmost priority, we will continue to take strides to ensure that the issue gets resolved as soon as possiblem," sabi ng kompanya sa isang pahayag.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa ilang residente, may isang buwan na silang nakakaamoy ng gasolina sa kanilang lugar, kaya naman ini-report na nila ito sa barangay para malaman ang pinagmumulan nito.

Sa ngayon, nagsasagawa ng flushing ang Bureau of Fire Protection (BFP) kasama ang barangay sa mga sewage sa lugar para ma-drain ang mga tumagas na langis. 

Nasa 5 fire truck ang nagsasagawa ng pagbobomba ng tubig para mabawasan ang amoy ng gasolina sa lugar. 

Pinapayuhan din ang mga residente na huwag magsindi ng kandila o magsigarilyo sa lugar para makaiwas sa pagsiklab ng apoy. - may ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.