P170-K halaga ng ‘shabu’ nakuha sa 3 suspek sa QC drug bust

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2019 04:12 PM

Nasa P170,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa 3 suspek na naaresto sa buy-bust operation sa Quezon City Police District - Public Information Office

Nasa P170,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa 3 suspek na naaresto sa buy-bust operation sa Quezon City noong gabi ng Huwebes.

Kinilala ni Police Col. Ronnie Montejo, acting director ng Quezon City Police District (QCPD), ang mga suspek bilang sina Michael Cabildo, 29; Mark Lester delos Reyes, 42; at Michael Castellon, 46.

Inaresto ang mga suspek sa isang hotel sa Barangay Kaunlaran bandang 9:20 ng gabi, ayon sa ulat ng QCPD. 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakabili ng P1,500 halaga ng shabu sa mga suspek, ayon sa QCPD.

Nakumpiska sa mga suspek ang 21 sachet ng hinihinalang shabu, 2 syringe na may trace ng shabu, 3 glass water pipe tube na may trace ng shabu, 2 digital weighing scale, cellphone, at ang buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.