Kadete ng PNPA isinugod sa ospital dahil sa hinihinalang hazing

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2019 12:33 PM

MAYNILA - Isinugod sa ospital nitong Biyernes ang isang kadete ng Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite dahil sa hinihinalang kaso ng hazing.

Inireklamo umano ni Cadet 4th Class John Desiderio ang pananakit ng tiyan kaya ito dinala sa PNPA dispensary ayon kay PNPA Public Information Office chief Police Lt. Col. Byron Allatog.

Pagkatapos ay inilipat din sa PNP General Hospital sa Camp Crame, Quezon City ang kadete at inirekomendang ilipat muli sa East Avenue Medical Center.

Iniimbestigahan na ng pamunuan ng PNPA ang lahat ng anggulo kabilang ang pangmamaltrato.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.