3 pulis, sugatan sa pagsabog ng granada

Cris Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2018 04:49 PM

SAN FERNANDO, Bukidnon - Tatlong pulis ang sugatan matapos sumabog ang isang granada malapit sa gate ng 1003rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10 sa Barangay Halapitan sa nasabing bayan Miyerkoles ng gabi.

Agad na isinugod sa Sanitarium Valencia City Hospital sina PO1 Markem Tanto, PO3 Anna Marie Suan, at PO1 Via Amor Binay-an.

Ang mga pulis ay pawang kasapi ng 1003rd Maneuver Company.

Dalawang saksi ang nakakita sa dalawang hindi pa kilalang taong sakay ng motorsiklo na nagtapon ng isang bagay bago naganap ang pagsabog.

Ayon kay Superintendent Surki Sereñas, tagapagsalita ng Police Regional Office 10, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.