Taxi, nabagsakan ng pader sa lindol sa Davao

Berchan Angchay, ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2019 10:17 AM

Suwerteng nakaligtas sa kapahamakan ang isang driver matapos na madaganan ng gumuhong pader ang kaniyang minamanehong taxi matapos ang paglindol na naranasan sa Davao City, Huwebes ng umaga.

Ayon sa driver, katatapos lang niyang kumain at paalis na sana para muling bumiyahe nang maramdaman ang lindol.

Nakaparada sa tabi ng gumuhong pader ang kaniyang sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.