Iwasan mag-post sa social media para iwas-salisi sa Undas: PNP

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2018 06:21 PM | Updated as of Oct 31 2018 08:59 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasang mag-post sa social media ukol sa mga lakad sa Undas dahil maaari raw itong maging sanhi ng pambibiktima ng krimen.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Superintendent Benigno Durana, mainam na huwag ipaalam sa iba sakaling may lakad sa Undas at iiwanang walang tao ang bahay.

"Iwasan mag-iwan ng notes sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao 'yong bahay as if declaring to the thieves na you're not around [na tila dinedeklara sa mga magnanakaw na wala ka]," sabi ni Durana sa panayam ng ABS-CBN News.

Kung maaari, ani Durana, ay mag-"late post" na lang o huwag nang mag-post na aalis sa bahay para sa Undas.

"Mag-late post na lang o kaya hindi na mag-post declaring that they are away for the holiday," ani Durana.

Puwede rin umanong ibilin ang bahay sa pinagkakatiwalaang kapitbahay.

"This is also a wise reminder na be good to our neighbors para po 'pag wala tayo doon sa ating bahay, sila po ang titingin sa ating bahay," ani Durana.

Watch more in iWant or TFC.tv

UNDAS SAFETY TIP. Kung aalis ng bahay, huwag mag-post sa social media tungkol sa biyahe. Video mula sa Red Alert.

Watch more in iWant or TFC.tv

UNDAS SAFETY TIP. Bago bumiyahe, tiyaking maganda ang kondisyon ng sasakyan at planuhing mabuti ang ruta. Video mula sa Red Alert.

Watch more in iWant or TFC.tv

UNDAS SAFETY TIP. Kung pasahero, pumunta nang maaga sa terminal at iwasang magsuot ng mamahaling gamit. Video mula sa Red Alert.

Watch more in iWant or TFC.tv

UNDAS SAFETY TIP. Magdala ng payong, damit, pamaypay at sapat ng pagkain at tubig kung pupunta ng sementeryo. Video mula sa Red Alert.

Watch more in iWant or TFC.tv

UNDAS SAFETY TIP. Sumunod sa mga patakaran ng sementeryo at huwag dalhin ang mga gamit na bawal. Video mula sa Red Alert.

Watch more in iWant or TFC.tv

UNDAS SAFETY TIP. Mainam na may listahan ng mga emergency hotline. Video mula sa Red Alert.

Dagdag pa ni Durana, tiyaking nakakandado ang lahat ng pinto at bintana sa bahay, at ilayo ang mga mahalagang pag-aari mula roon.

Tiyakin din daw na walang nakasinding kandila, nakasaksak o bukas na appliance, at tumutulong grupo.

Tiyakin ding may mga emergency number ng security ng subdivision, tauhan ng barangay o istasyon ng pulis. 

Itataas ng PNP ang full alert status sa Pilipinas sa gabi ng Miyerkoles hanggang Sabado, Nobyembre 3.

Nasa 33,000 pulis ang ipakakalat ng PNP para magpanatili ng kaayusan sa mga pampublikong lugar kasabay ng pagdagsa ng mga Pilipino sa mga sementeryo para sa paggunita ng Undas.

--May ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.