Marcos Bridge muling bubuksan sa publiko ngayong Oktubre 31

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 08:50 PM

MANILA - Magagamit na muli ng publiko ang Marcos Bridge sa Marikina City simula ngayong Huwebes, Oktubre 31.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Public Works Secretary Mark Villar na tutupad sila sa kanilang naipangako at magagamit na ang tulay ngayong katapusan ng buwan. 

 

Isinara ang bahagi ng tulay noong Mayo para sa rehabilitasyon.

Ang tulay ang nag-uugnay sa Katipunan Ave. sa Quezon City sa siyudad ng Marikina. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.