Stranded na pasahero dahil sa bagyong Rosita, nasa 2,000 na

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2018 02:01 AM

MAYNILA - Umabot na sa 2,000 pasahero ang naitalang stranded dahil sa bagyong Rosita, base sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG).

Nasa 1,500 pasahero ang apektado sa Verde Island sa Batangas habang 500 naman sa ibang pantalan.

Sumunod rito ang Port of Lucena na mayroong mahigit 270 stranded na pasahero at iilan lang sa iba pang pantalan tulad ng Pasacao Port, Polollo Port, at Calapan Port. 

Sa ibang pantalan na hindi apektado ng bagyong Rosita ay tuloy-tuloy naman ang operasyon at dumadagsa ang mga umuuwi ng probinsiya.

Sa kabila ng pagsuspinde ng awtoridad sa mga biyahe sa pantalan sa Batangas Port dahil sa masamang panahon, patuloy sa pagdating ang mga pasaherong naghihintay at nagbabakasaling matuloy ang kanilang pag-uwi sa probinsya para sa Undas. - ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News