TIPS: Saan dapat ilaan ang 13th month pay?

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 06:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Isa sa kinasasabikan ng mga empleyado tuwing huling parte ng taon ay ang pagtanggap ng 13th month pay. 

Pero may payo ang isang financial expert kung saan dapat ilaan ang naturang suweldo para hindi ito mawaldas lang. 

"[Unahin mo] 'yung basics mo: upa, gastusin, pagkain, tuition. 'Yan ang unang tinatawid muna," ani Randell Tiongson sa programang "Sakto" ng DZMM. 

Pero kung may pinagkakautangan, mas mainam na maglaan din ng budget sa pagbayad nito para hindi na dumagdag ang interes. 

"Ang pinakaimportante, 'yung utang, bayaran mo kasi 'yung utang binabayaran mo in the coming months. Kung kaya mo [bayaran lahat] ang utang mo [gamit ang 13th month pay] gawin mo," ayon sa eksperto. 

Kapag may matira, maaari itong ilaan sa mga luho o kaya itabi para sa iba pang obligasyon na maaari pang dumating. 

Kino-compute ang 13th month pay sa pagsasama ng lahat ng natanggap na sahod ng empleyado sa buong taon at hahatiin ito sa 12.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.