P650-K halaga ng droga nasamsam sa 2 suspek sa Maynila

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 10:10 AM

MAYNILA - Nasa 100 gramo ng hinihanalang shabu na tinatayang nasa P650,000 ang halaga ang nasamsam mula sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation nitong Biyernes sa Quiapo.

Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng Sta. Cruz Police Station, matagal na nilang mino-monitor ang mga suspek na isang babae at isang lalaki matapos makakuha ng impormasyon ukol sa umano'y ilegal na gawain nila.

Nakipagkita ang pulis na nagpanggap na bibili ng droga sa mga suspek sa Buenviaje Street at matapos ang bentahan, hinuli agad ang dalawa.

Napag-alaman din na dati nang nakulong ang babaeng suspek sa kasong illegal possession of firearms.

Amimado ang dalawa na nagtutulak sila dahil sa kahirapan.

Nakakulong na sila sa Manila Police District Station 3.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.