Butuan, nalubog sa baha matapos ang isang oras na pag-ulan

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 07:20 PM | Updated as of Oct 26 2019 08:05 PM

Umabot sa mahigit isang talampakan ang taas ng baha sa ilang kalsada ng Butuan city nitong Sabado. Handout

BUTUAN—Lumubog sa baha ang ilang pangunahing kalsada sa lungsod na ito matapos ang halos isang oras na pag-ulan Sabado.

Umabot sa higit isang talampakan ang taas ng baha sa ilang kalsada, dahilan para tumirik ang ilang mga sasakyan sa gitna nito.

Sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA, isang low-pressure area ay tinatayang nasa 540 kilometers silangan-timog silangan ng bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur. 

Makakaranas ng mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Mindanao dahil sa nasabing LPA.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.