AWOL na pulis, timbog sa buy-bust sa Bacolod

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 05:51 PM

Natiklo ang isang dating miyembro ng city drug enforcement unit ng pulisya sa operasyon sa Bacolod, kung saan nasabat din ang aabot sa P70,000 halaga ng hinihinalang shabu nitong Sabado, Oktubre 26, 2019.

Naaresto ang isang dating pulis sa isang buy-bust operation sa Bacolod nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, natiklo ang suspek, na dating miyembro ng city drug enforcement unit, sa operasyon kung saan nasabat din ang aabot sa P70,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Siyam na taon nang wala sa serbisyo ang suspek matapos siyang mag-AWOL, ayon kay Bacolod City Police spokesperson Police Lt. Col. Ariel Pico.

Matagal umano na-monitor ng pulisya ang suspek sa kaniyang mga ilegal na transaksiyon. Bago naaresto, nasa drug watchlist na umano ito.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.