Pulis, drug suspect patay nang magkabarilan sa Rizal buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 04:58 PM | Updated as of Oct 25 2019 07:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Patay ang isang pulis at isang drug suspect matapos mauwi sa engkuwentro ang ikinasang buy-bust operation sa Pililla, Rizal nitong Biyernes. 

Nangyari ang buy-bust sa Barangay Bagong Bayan bandang alas-11 ng umaga.

Pero imbes na sumuko ang suspek na si alyas "Moymoy," nakipagbarilan pa ito sa pulisya.

Patay si Moymoy pati na rin si Police Staff Sgt. Michael Cabillo na siyang nakapalitan ng putok ng suspek. 

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

—Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.