Lalaki, nahulihan ng granada at shabu sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 10:26 PM

MAYNILA - Isang hand grenade at limang sachet ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa isang lalaki sa isang buy-bust operation sa Barangay Damayan Lagi sa Quezon City nitong Biyernes.

Ayon sa Galas Police Station, kinilala ang suspek sa alyas "Biboy."

Nabilhan ng P500 halaga ng shabu ang suspek sa isinigawang operation.

Mahaharap si Biboy sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of explosives.

- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.