Holdaper sa Bulacan patay sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2019 04:28 PM | Updated as of Oct 24 2019 07:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan — Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw noong Miyerkoles ng gabi dito matapos mauwi sa engkuwentro ang ikinasa nilang buy-bust sa Barangay Guijo.

Target ng operasyon ng pulisya ang isang umano'y tulak ng shabu sa lugar.

Kinilala ang suspek na si alyas "Kang-Kang" na dawit din daw na mga insidente ng holdapan at pagnanakaw sa siyudad.

Nakuha sa bangkay ng suspek ang isang revolver na baril. 

"Sangkot din po ito sa holdapan dito samin bukod sa aktibidad niya sa drugs," ani Police Lt. Col. Orlando Castil, hepe ng San Jose Del Monte City police. —Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.