Drug makers handang magpatupad ng bawas-presyo sa mga gamot

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2019 06:00 PM

Handang magpatupad ng bawas-presyo sa kanilang mga gamot ang 18 multinational pharmaceutical company sa bansa.

Kabilang dito ang mga gamot kontra sa ilang malala at nakahahawang sakit, at iba pang hindi pangkaraniwang karamdaman.

Sa isang pahayag, sinabi ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na pinaplantsa na nila ang programa para sa bawas-presyo, katuwang ang Department of Health (DOH).

Halimbawa, ang mga pasyenteng may kanser ay makabibili ng gamot na halos kalahati lang ang presyo o mabibigyan ng libreng gamot para sa ilang treatment cycles.

Kasabay nito, binubuo na rin ng grupo at DOH ang iba pang programa para tulungan ang mga pasyente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.