TINGNAN: Buhawi namataan sa palayan sa Camarines Sur

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 07:34 PM

Kuha ni Rika Badilla

NABUA, Camarines Sur - Namataan ang isang buhawi na dumaraan sa gitna ng isang palayan sa Barangay San Antonio Ogbon dito sa bayan Martes.

Bandang alas 12 ng tanghali nang makita ng residente na si Argel Joseph Osorio ang buhawi habang pababa na ito.

Pero naputol umano ito ng malakas na hangin at kumilos papalayo sa palayan patungo sa direksyon ng kabukiran.

Tinatayang higit 5 minuto ang lumipas bago nawala ang buhawi.

Wala namang napinsala sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.