P200-K halaga ng droga nasamsam, 6 timbog sa Laguna buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 01:42 PM

Anim na lalaki, kasama ang 2 menor de edad, ang naaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Cabuyao, Laguna noong Martes.

Ikinasa ang operasyon sa isang bahay sa Barangay Mamatid na pag-aari ng isa sa mga suspek at ginagawa umanong drug den, ayon sa lokal na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa P170,000 halaga ng shabu at P30,000 halaga ng marijuana.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ibibigay naman sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang mga menor de edad na suspek.

-- Ulat ni Jonathan Magistrado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.