Nakatakas na umano’y miyembro ng NPA, balik-kulungan sa Northern Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 01:57 AM

Nahuli na ng pulisya ang presong nakatakas mula sa isang bilangguan sa Northern Samar noong huling linggo.

Ang preso ay hinihinalang miyembro ng rebeldeng grupong New People's Army (NPA). 

Ayon sa pulisya, Linggo ng tanghali nang mahuli ulit ang preso sa lungsod ng Calbayog matapos itong tumakas mula sa Allen Sub-Provincial Jail nitong Huwebes.

Nakakulong na ang nasabing rebelde sa Calbayog PNP custodial facility.

Nahuli ang nasabing preso noong Marso matapos makibahagi umano sa isang pag-atake sa isang istasyon ng pulis sa Northern Samar.

Nahaharap sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearms ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.