Koreano na suspek sa pagdakip ng 4 na kababayan, timbog sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 06:26 PM

MAYNILA - Isang Koreano ang inaresto sa Taguig City nitong Miyerkoles dahil sa umano'y pagkakasangkot sa pag-kidnap sa 4 na kababayan.

Kinilala ang suspek na si Cho Jung Ji, na inaresto sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng isang korte sa Pasig City.

Naiulat na sangkot siya sa pagkuha sa mga kapwa Koreano sa San Juan City noong 2015.

Nagdemanda at nakatanggap umano ang mga kidnapper ng P5 milyon kapalit ng paglaya ng mga biktima. - Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.