Halos P14 milyong halaga ng shabu nasabat sa Las Piñas; Nigerian, Pinoy timbog

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 05:37 PM

Huli ang isang Nigerian national at kasabwat umano nitong Pilipino sa isang buy-bust operation sa Las Piñas nitong Miyerkoles. Halos P14 milyong halaga ng shabu ang nasamsam mula sa nasabing operasyon. Larawan mula sa PDEA

MAYNILA - Halos P14 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa dalawang suspek, kabilang ang isang Nigerian, sa isang buy-bust operation sa Las Piñas Miyerkoles.

Kinilala ang dayuhang suspek na si Christian Chukwebuka Okoye, na nagpakilalang isang misyonaryo. Tiklo din ang kasama niyang Pilipino.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 2 kilo ng shabu ang nakumpiska mula sa mga suspek sa isang bahay sa Barangay Tatalon.

Sinubukan pa umanong i-flush sa toilet ng mga suspek ang kontrabando ngunit agad narekober ng mga operatiba ng PDEA ang mga ito.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.