Dating alkalde sa Zambales, huli sa illegal possession of firearms

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 07:30 PM

MAYNILA - Tiklo ang dating alkalde ng bayan ng San Antonio sa Zambales matapos mahuling ilegal na nagtatago umano ng baril at bala nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nahulihan si Romeo Lonzanida ng M14 at M4 rifles at mga bala.

Nahuli ang dating alkalde sa bisa ng mga search warrant na inilunsad matapos paghinalaan na sinisilungan ni Lonzanida ang isang Ricardo Peralta, na umano'y lider ng isang gun-for-hire group sa Central Luzon.

Sumuko si Peralta sa mga awtoridad noong 2018. - Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.