Babae patay nang barilin ng asawang pulis sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 12:55 PM | Updated as of Oct 24 2019 06:38 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang isang babae matapos barilin ng asawang pulis bago siya nagbaril sa sarili sa Puerto Princesa City, Palawan. 

Kinilala ang babae na si Karen Cacho. 

Ayon kay Police Maj. Edgar Salazar, station commander ng Puerto Princesa Police, nakaupo sa Ramon V. Mitra Sports Complex ang biktimang si Karen Cacho nang lapitan ng asawa na si Raymond. 

Unang nagpaputok ang pulis sa kisame at saka binaril sa ulo ang babae, ayon sa mga nakasaksi. 

Matapos noon, binaril ng pulis ang kaniyang sarili. 

Narekober sa lugar ang service firearm ng pulisya na pistol. 

Hinihinalang nagkaroon ng alitan ang 2 bago ang insidente. 

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News 

 

Editor's note:

Para sa mga nakararanas ng emosyonal na krisis at nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa 24/7 Hopeline sa mga sumusunod na numero:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.