49 anyos na babae patay sa pamamaril sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 01:44 PM

Patay sa pamamaril ang isang 49 anyos na babae sa Canlaon City, Negros Occidental. 

Kinilala ang biktima na si Anabel Sabanal. 

Nakaangkas sa motorsiklo si Sabanal at papunta sana sa Oval Public Market nang barilin ng mga armadong lalaki na naka-motorsiklo rin. 

Dinala pa sa ospital si Sabanal pero binawian din ito ng buhay. 

Inaalam pa ang Philippine National Police sa Negros Occidental ang pakakakilanlan ng mga suspek. 

-- Ulat ni Mitchel Lipa, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.