Kolumnista patay sa pamamaril sa Pampanga

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 02:44 PM

MAYNILA - Patay ang isang kolumnista at kasamahan nito nang tambangan sa bayan ng Arayat, Pampanga nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Jupiter Gonzales, kolumnista ng diyaryong Remate, at Christopher Tiongson, ayon kay Police Lt. Col. Dale Soliba, hepe ng Arayat Police.

Dead on the spot si Tiongson habang idineklarang dead on arrival sa ospital si Gonzales.

Lulan ang mga biktima ng isang Nissan Almera nang tambangan ng mga hindi pa kilalang salarin.

Ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), may kinalaman sa trabaho ang motibo sa pagpatay kay Gonzales.

Binabanatan kasi umano nito ang mga ilegal na sugalan at peryahan sa lugar, ayon kay PTFoMS executive director Joel Egco.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.