Ika-75 anibersaryo ng Leyte Gulf Landing ginunita

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 12:44 PM

Dinayo ng mga turista ang ika-75 anibersary ng Leyte Gulf Landing sa Palo, Leyte nitong Linggo. ABS-CBN News

Ginunita ang ika-75 anibersaryo ng Leyte Gulf Landing sa Palo, Leyte nitong Linggo.

Naging emosyonal ang 82-anyos na beteranong si Luis Abello kasabay ng pagdalo niya sa commemoration.

"I have returned, I hear it from his mouth… Siyempre, mga emosyonal kami," aniya.

Nakita rin niya umano kung paanong pinahirapan ng mga Hapon ang kaniyang pinsan.

"Ang pinsan ko pinahirapan nila dahil nag-aano sila na guerilla, nagsuspetsa ba, and then his arm was broken because they tied him up and then they put a chair on the feet and then they get the chair out and then my pinsan fell."

Kaya ang araw na ito ang maituturing nilang isa sa pinakamasayang araw noong 1944 na hindi niya makakalimutan habang siya ay nabubuhay.

Dinayo ng mga turista ang ika-75 anibersary ng Leyte Gulf Landing sa Palo, Leyte nitong Linggo. ABS-CBN News

Tila senaryo noong Liberation Day noong Oktubre 20, 1944 ang paligid ng Palo, Leyte dahil sa dami ng turistang pumunta para sa selebrasyon nito.

"I was in the army for 33 years and I’m also a veteran and we have our own cars, and we do this not only for a fun but to respect the people who died for us," ani Erich Harrings, turista mula Belgium.

Makikita rin ang mga nagbihis na General Douglas MacArthur, Japanese army, at mga Pilipinong guerilla na dinumog ng mga nais magpakuha ng litrato.

Sinadya naman ng gurong si Elmer Melindo na makapanood ng commemoration ng Leyte Landing.

"Because this is my first time, at least to know what are really the happenings during the Leyte Landing, and everything about the 75th anniversary na maisa-share ko sa aking mga student," aniya.

-- Ulat ni Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.