'No. 1 most wanted' ng Makati na may 99 counts of rape, arestado

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 06:01 AM | Updated as of Oct 24 2018 12:14 AM

MAYNILA - Nahuli ng Makati police noong gabi ng Biyernes ang itinuturing nilang pangunahin at pangalawang most wanted ng siyudad.

Ayon kay Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati police, 
nagsilbi ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa bahay ng mga suspek.

Watch more in iWant or TFC.tv

Unang naaresto si alyas "Luis," isang 47 anyos na construction worker, na nahaharap sa kasong 99 counts of rape.

Sunod namang inaresto ang pangalawang most wanted na si alyas "Rene," 62 anyos at isang parking attendant. Mayroon siyang dalawang counts ng rape.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.