Amerikano, tiklo sa drug paraphernalia sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 12:30 AM

MAYNILA - Hinuli ng mga awtoridad ang isang Amerikano matapos makuhanan ng drug paraphernalia sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi na pinayagan pang makabiyahe ang 40-anyos na suspek na patungong Legazpi City, Albay. 

Ayon kay Gerard Javier ng NAIA-Drug Interdiction Task Group, nasa huling checkpoint screening area na ang suspek nang kapkapan ito ng security personnel at napansin sa kaniyang bewang ang isang improvised tooter. 

Nang isailalim sa eksaminasyon ay nagpositibo ang tooter sa residue ng shabu kaya't agad na inaresto ang suspek. 

Nasa kustodiya ng airport police ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Ron Lopez at Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.