Smuggled na yosi nasabat sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 05:02 AM

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY—Nakumpiska ng mga awtoridad ang ilang karton ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City Huwebes ng gabi.

Nasabat ng mga sundalo ang mga kontrabando nang dumaan ang isang mini van sa checkpoint sa Baliwasan Seaside.

Ayon sa drayber ng mini van, inutusan lang umano siya na pick-upin ang mga sigarilyo sa isang pribadong wharf at dalhin ito sa isang lugar sa halagang P2,000.

Itinurnover ng mga sundalo ang mga sigarilyo sa pulisya, pati na rin ang drayber para isailalim sa imbestigasyon.—Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.