Estudyante kritikal matapos barilin sa loob ng Mindanao State University

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 07:15 PM | Updated as of Oct 18 2019 10:40 PM

Mindanao State University- Marawi Office of Information, Press and Publications

MARAWI CITY (UPDATED) - Kritikal ang kalagayan ngayon ng isang 20 anyos na college freshman ng Mindanao State University - Marawi Campus matapos pagbabarilin sa loob ng campus nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Ivan Polinar Almeda, residente ng Agusan Del Sur na kumukuha ng kursong Physical Education.

Nananatili pa sa ICU ng Amai Pakpak Medical Center ang biktima.

Ayon kay Marawi police chief Thomas Pantaleon, naglalakad lang daw ang biktima at ang kaniyang tatlong kasamahan nang bigla itong pagbabarilin.

Agad na isinugod ang biktima sa ospital.

Mabilis umanong nakatakbo patungo sa likod ng gym ang suspek, na hindi namukhaan ng witness.

Siniguro naman ng administrasyon ng MSU na iimbestigahan nila ang insidente.

Tiniyak din daw nila na hindi dapat matakot ang mga estudyante sa kanilang seguridad.

"I assure the parents that we are doing our best to protect our students but this is an isolated case which happens to any other part of the country, any other parts of the world," sabi ni Habib Macaayong, MSU System President.

-- Ulat ni Cris Angelo Andrade, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.