4 kabataan na nanloob umano ng bahay sa Zamboanga City, timbog

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 05:42 AM

ZAMBOANGA CITY—Huli ang 4 na lalaki, kabilang ang 2 menor de edad, na nanloob umano sa isang bahay sa Barangay San Jose Cawa-Cawa, Zamboanga City.

Anak ng retiradong pulis ang isang suspek habang anak ng isang barangay kagawad ang isa pa.

Ayon sa may-ari ng bahay, ninakaw ng mga kabataan noong Oktubre 12 ang kaniyang 3 shoulder bag na may lamang P20,000 at mga alahas na nagkakahalaga ng P500,000.

Inamin ng isang suspek ang krimen. Wala raw silang pamasahe kaya naisipan nilang magnakaw.

Isinanla ng mga kabataan ang mga alahas sa isang pawnshop sa halagang P40,000 kaya madali silang natunton ng mga pulis.

Pinaghahanap naman ngayon ang 2 pa nilang kasamahan.

Hindi magsasampa ng kaso ang biktima kung isasauli ng mga suspek ang lahat ng kanilang ninakaw.—Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.