Paaralan, nasunog sa Agusan Del Norte

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 10:59 PM

BUTUAN CITY — Nilamon ng apoy ang isang paaralan sa bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte nitong Huwebes ng madaling araw.

Nagsimula ang apoy nang mag-overheat ang wall fan sa library ng paaralan, ayon kay Fire Officer 3 Efrin Cascara, officer-in-charge ng Bureau of Fire Protection sa Kitcharao.

Sumiklab ang apoy bandang hatinggabi at inabot ng dalawang oras bago mag-deklara ng fire out.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nirespondehan din ng mga bombero mula sa mga karatig-bayan.

Tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga ng pinsala.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.

-- Ulat ni Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.