Kagawad na 'high-value' target, tiklo sa buy-bust sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2020 02:38 PM

Kinilala ang suspek bilang kagawad sa bayan ng Mangundadatu, ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. Photo courtesy: Western Mindanao Command

MAYNILA— Nahulihan ng hinihinalang droga ang isang barangay kagawad sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion sa Buluan, Maguindanao Biyernes ng madaling araw. 

Kinilala ang suspek bilang kagawad sa bayan ng Mangudadatu, ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. 

Ayon sa ulat ng Wesmincom, ikinasa ng 10th Infantry Battalion, Philippine Drug Enforcement Agency ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at Buluan Municipal Police Station ang isang buy-bust operation sa SPDA Compound para mahuli si Jahir Guipal, isang high-value target ng PDEA. 

Aabot sa 20 gramong hinihinalang shabu at P14,000 'marked money' ang nakumpiska sa suspek. 

Nasa kustodiya na ng PDEA regional office ng BARMM ang suspek para imbestigahan. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.