7-anyos na babae patay sa pananaksak sa Laguna

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2019 10:05 AM

MAYNILA - Patay ang isang 7-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng 15-anyos na kapitbahay sa San Pedro City, Laguna nitong Huwebes.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakaupo ang biktima sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Cuyab nang tawagin ito ng suspek para makipaglaro sa kanilang bahay.

Habang nasa loob ng bahay, pinagsasaksak umano ng binatilyo ang bata.

Nasa kustodiya ng pulisya ang binatilyo para imbestigahan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.