Away mag-asawa nauwi sa sunog sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2019 05:01 AM

Contributed photo

ZAMBOANGA CITY—Dahil sa away mag-asawa, nasunog ang 7 bahay sa Barangay San Roque, Zamboanga City Martes ng gabi.

Base sa imbestigasyon, nagwala at nagtangka umano ang isang lalaki na sunugin ang kanilang bahay.

Agad humingi ng tulong ang babae, pero pagbalik nito ay nagliyab na ang kanilang bahay, ayon kay San Roque Barangay Chairman Edgardo Delgado.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang mga katabi nitong kabahayan.

Nahuli ng mga awtoridad ang suspek at nakakulong sa Sta. Maria Police Station.

Inamin niyang may hindi sila pagkakaunawaan ng kaniyang misis pero itinanggi niyang siya ang nagsimula ng sunog.

Nahaharap ang suspek sa kasong arson. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.—Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.