Pulis patay sa aksidente sa Davao City

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 11:24 AM

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero ideneklara na itong dead on arrival. Larawan mula sa Davao City Police Office

DAVAO CITY - Patay ang 41-anyos na pulis matapos mabangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa kasalubong na truck sa Barangay Tamugan, Marilog District, Lunes ng umaga.

Ayon sa pulisya, bumibiyahe si Lieutenant Aliper Mendoza sa Davao-Bukidnon national highway pero sumalpok ito sa truck nang makarating sa pakurbadang bahagi ng kalsada.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival.

Nasa kustodiya na ng Marilog Police Station ang driver ng truck na si Julito Ancajas habang iniimbestigahan ang aksidente.

Si Mendoza ay nakatalaga sa Region 10 at nag-aral sa PNP Regional Training Center XI.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.