Opisina ng National Commission on Indigenous Peoples, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 06:47 AM

Lady Vicencio, ABS-CBN News

MAYNILA—Nasunog ang opisina ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa West Ave., Quezon City Martes ng madaling-araw.

Kuwento ng mga sekyu, nagsimula ang apoy pasado alas-3 ng madaling-araw. Umabot ang insidente sa ikalawang alarma at naapula ito ng mga bombero alas-4:39 ng madaling-araw.

Ayon kay Fire Chief Insp. Gilbert Valdez, officer-in-charge ng Quezon City Fire District Operations Branch, nirerentahan ng NCIP ang nasunog na opisina.

Nasa ikalawang palapag ang opisina na naglalaman ng mga dokumento at ilang appliances.

Faulty electrical wiring ang isa sa mga tinitingnang sanhi ng sunog.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.