Lalaki, binaril ng ama matapos hindi bigyan ng pera

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 09:12 PM

DINGRAS, llocos Norte – Arestado ang 60-anyos na lalaki matapos nitong paputukan ng baril ang kaniyang sariling anak na lalaki sa Barangay Medina sa bayang ito Lunes ng hapon.

Masuwerteng hindi tinamaan ng bala ang biktima, 32.

Nag-ugat ang pamamaril nang hindi bigyan ng anak ng pera ang ama. Pambili umano sana ito ng ama ng motorsiklo.

Hindi naman kumbinsido ang anak sa rason ng ama. Nagtataka ito kung bakit mabilis nauubos ang pera ng ama.

Suspetsa niya ay may nanghuhuthot sa kaniyang ama.

Sasampahan ng mga pulis ng reklamong attempted parricide at illegal possession of firearm ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.